
Si Pangulong Ferdinand Marcos ang una kong nakilalang pangulo. Natatandaan ko pa ang headline ng Setyembre 21, 1972, "FM declares Martial Law". Tunay na takot ang nababasa ko sa mga mukha ng lahat noong araw na iyon. Nawala ang kalayaan ng lahat ng ideneklara niya ang PD 1081 na tumagal ng maraming taon. Pinalakas at kinasabwat niya ang pulis at militar para walang humadlang sa kanilang pagnanakaw. Ikalawa tayo sa mga Hapon na pinaka mayamang bayan sa Asya noong dekada '60. Kasama ang kanyang asawa na si Imelda at mga tuta, halinhinan nilang inubos ang kaban ng bayan. "Poor Man of Asia" ay ang kahiya-hiyang binyag sa atin ng mga kapitbahay na bayan ngayon. Inamin na ni Imelda na mayroon pang natitira sa yaman sa mga swiss banks subalit ayaw pa rin nilang isauli sa bayan. Sa bagong milleniyo ay nararamdaman pa rin natin ang epekto at impluwensiya ng ginawa ng mga Marcos.
No comments:
Post a Comment